30 years hatol sa bugaw ng mga menor-de-edad
MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pag kakataon ay nahatulan ng korte ang isang bugaw na nagre-recruit at nangmomolestiya ng mga menor-de-edad na lalaki dahil sa kasong paglabag sa kasong RA 9208 o ang Human Trafficking Act.
Matapos ang apat na taong pagdinig sa Manila Regional Trial Court (RTC) nahatulan ng tatlo hanggang 30 taon pagkakabilanggo si Albert Sanchez.
Base sa record noong Agosto 2005, napag-alaman ng human rights organization na International Justice Mission (IJM) na si Sanchez ay nagre-recruit ng mga kabataang lalaki upang pumasok sa isang prostitusyon para sa mga Pinoy o dayuhang homosexual pedophiles subalit minomolestiya muna nito ang mga kabataan bago isabak sa prostitusyon.
Dahil dito kaya noong September 13, 2005 ay nagsagawa ng operasyon ang IJM at Crminal Investigation and Detection Group-Womens and Childrens Divsion na nagresulta sa pagpapalaya sa tatlong kabataang lalaki.
Ayon naman kay Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) acting Chairman Justice Undersecretary Ricardo Blancaflor dapat na papurihan si DOJ Prosecutor Minerva de Guzman na siyang humawak ng kaso sa pakikipag-tulungan kay IJM Jedreck Ng upang masentensiyahan si Sanchez.
Bukod dito, ayon kay Blancaflor, dalawa sa biktima ni Sanchez ang tumestigo at ang pagpupursige ng DOJ kung kayat naging matagumpay umano ang apat na taong pakikipaglaban sa korte upang makamit ang katarungan. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending