Razon umangat sa Manila survey

MANILA, Philippines - Muling umangat ang mga numero ni dating Philippine National Police Chief Avelino “Sonny” Razon, Jr. sa pagpalo sa 32% base sa pinaka­huling survey na isang indikasyon na matinding contender siya sa Manila mayoralty derby sa susu­nod na taon.

Umani ng may anim na porsiyento ang poll ratings ni Razon sa pinaka­huling survey na kinomis­yon ng isang grupo ng Manila politicians noong Setyembre na mula 26 porsiyento noong Agosto ay umakyat sa 32 por­siyento. Maituturing na isang malaking pag-angat nairehistro ni Razon sa loob lamang ng isang buwan na napakaikling pa­nahon.    

Sa naturang September survey, kumubra si Manila Mayor Alfredo Lim ng 40%. Nanatili sa 16% ang mga numero ni dating mayor at kasaluku­yang Environment Secretary Jose Atienza.

Sa isinagawang survey ng kaperehong grupo ng Manila politicians noong Agosto 2009, sumampa na si Razon sa 20% mark sa pag-arang­kada ng 10 puntos sa pag-akyat sa 26%. Na­na­tili si Atienza sa 16% habang si Lim ay 46%.

Show comments