^

Bansa

JDV III di tatahimik

-

MANILA, Philippines - Walang plano ang whis­ tle­blower na si Joey de Venecia III na manahimik na lamang makaraang ilabas ang committee report ng Senate Blue Ribbon kaug­nay ng ZTE-NBN scam.

Ang pahayag nito ni de Venecia ay dahil na rin sa rekomendasyon ng komite na kasuhan pati ang mga nagbunyag sa anomalya na tulad niya.

Sinabi niya na, kung ang intensyon ng final report ng komite ay mabatid na si First Gentleman Mike Arroyo ang siyang utak ng na­sabing anomalya, nanini­wala ito na ginawa talaga ng komite ang kanilang tra­baho.

Kasabay rin nito, nag­pasalamat si de Venecia kina Senators Ping Lacson, Chiz Escudero at Alan Peter Cayetano na naninin­digan na hindi dapat isama sa kaso ang mga whistle­blowers na tulad nila ni Jun Lozada.

Pero para kay de Vene­cia, mas lalong hindi siya tatahimik sa kanyang mga nalalaman sa anomalya sa ZTE-NBN deal hanggang sa mapatunayan niyang totoo ang lahat ng kanyang alegasyon. (Butch Quejada)

ALAN PETER CAYETANO

BUTCH QUEJADA

CHIZ ESCUDERO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JUN LOZADA

KASABAY

SENATE BLUE RIBBON

SENATORS PING LACSON

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with