^

Bansa

Sinnott laya na!

- Nina Joy Cantos, Rudy Andal, Doris Fanche at Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Matapos ang 31 araw na pagkakabihag, pinala­ya na ng mga kidnaper ang 79 anyos na si Co­lumban missionary priest Fr. Michael Sinnott na inilipat sa pangangalaga ng gobyerno sa Sangali fishport sa isang Muslim village sa Zamboanga City kahapon ng mada­ling araw.

Sa ginanap na press briefing sa Kalayaan Hall sa Villamor Air Base ng Philippine Air Force sa Pasay City, iniharap sa mediamen ng mga awto­ridad si Sinnott.

Si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay sumalubong rin kay Sin­nott matapos itong lu­mapag lulan ng Fokker plane sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Si Sinnott na bakas pa ang matinding pagod sa mahabang paglalak­bay ay putlang-putla na hina­habol pa ang paghi­nga at nagpasalamat sa lahat ng tumulong sa kaniyang paglaya.

Ayon sa mga opisyal, bandang alas-4:25 ng madaling araw ng iturn­over sa GRP-MILF Joint Ceasefire Committee ng mga elemento ng Moro Islamic Liberation Front sa pamumuno ng Chief of Staff ng grupo na si Mo­hammad Nassip si Sin­nott matapos namang ibigay ito sa kanilang kus­todya ng mga kidnappers.

Ang MILF ay naunang nangako na tutulong upang mabawi sa mga kidnappers ang dayu­hang paring misyonaryo.

Sinabi ni Armed For­ces of the Philippines-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino na si Sinnott ay naglakbay sa kabundukan, tumawid sa isang ilog sa pagitan ng hangganan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur saka sumakay ng bang­ka na naglayag ng walo hanggang siyam na oras bago nakarating sa Sa­nga­li Fishport sa Zam­­boanga City kung saan sinalubong ito ng mga opisyal nang pa­ma­­ha­laan.

Magugunita na si Fr. Sinnott ay dinukot ng anim na mga armadong kala­ lakihan sa Columban Missionary House sa Pa­gadian City, Zam­boanga del Sur noong Oktubre 11.

Ayon pa dito, walang kapalit na ransom ang pagpapalaya kay Sinnott ng mga kidnappers at malaki ang naitulong dito ng MILF.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teo­doro Jr. na dapat mana­got ang mga kidnappers ni Sinnott na ayon sa pina­layang pari ay mga ‘lost command’ umano.

“Hindi dito natatapos ito, sinong lost command, dapat na ma­na­got,” paha­yag ni Teodoro.

Itinanggi rin ni Sinnott na mga rebeldeng MILF ang kaniyang mga kidnappers. Sa kaniyang pagharap sa mediamen, sinabi niya na nagpaki­la­lang mga ‘lost command’ ang kaniyang mga kidnappers.

Kasama ni Sinnott sa pagdating sa Villamor ang ilang opisyal ng pamaha­laan pagkagaling sa Zam­boanga kung saan si­nalubong ito ni Pangulong Arroyo kasa­ma si Irish Ambassador Richard O’Brian.

Ayon kay Sinnott, si­nabi sa kaniya ng mga kidnappers na ito ang kanilang pinagkukunan ng pera o pinagkaka­kitaan dahilan sa so­brang hirap ng buhay.

Iniutos din kahapon ni Pangulong Arroyo sa pulisya at militar na mag­lunsad ng malawakang manhunt operations upang maaresto at papanagutin sa batas ang mga dumukot sa pari.

Iginiit ng Palasyo na walang ibinayad na ransom para sa kalayaan ni Sinnott. Naunang iniulat na humihingi ng $2 mil­yong ransom ang kidnaper kapalit ng kala­ yaan nito.

ARMED FOR

AYON

BEN MOHAMMAD DOLORFINO

PANGULONG ARROYO

PASAY CITY

SHY

SINNOTT

VILLAMOR AIR BASE

ZAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with