P118 million budget ng QCPD sa 2010 inaprub

MANILA, Philippines - Aprubado na ng Que­zon City Council sa pa­mu­muno ni Majority Lea­der Ariel Inton ang panu­kalang budget para sa pulisya para gamitin sa pagpapatupad ng seguri­dad sa susunod na taon kasama na ang 2010 elections.

Sinabi ni Inton na ang P118,133,000 ay ipinasa ng konseho para maga­mit ng kapulisan dahil inaasa­ han na magiging mainit ang sitwasyon lalo na sa pana­hon ng elek­siyon. Ang na­sa­bing budget ay mas ma­taas kum­para sa inilaang pondo para sa Quezon City Police District na nagka­kahalaga ng P117.8M.

Nakalaan ang nasabing budget sa pagsasanay ng pulisya, programa sa ma­kabagong teknolohiya gaya ng CCTV camera sa ilang crime prone areas, mo­dernong baril at iba pang kagamitan.

Maging sa darating na kapaskuhan ay titiyakin din ng QCPD ang seguridad ng publiko. Masusing iniim­bestigahan ngayon ng QCPD ang pagpapasabog ng improvised explosive device sa Katipunan at Puregold sa Commonwealth Avenue at ang tangkang panghoholdap sa Walter Mart sa EDSA-Muñoz. (Angie dela Cruz)

Show comments