P118 million budget ng QCPD sa 2010 inaprub
MANILA, Philippines - Aprubado na ng Quezon City Council sa pamumuno ni Majority Leader Ariel Inton ang panukalang budget para sa pulisya para gamitin sa pagpapatupad ng seguridad sa susunod na taon kasama na ang 2010 elections.
Sinabi ni Inton na ang P118,133,000 ay ipinasa ng konseho para magamit ng kapulisan dahil inaasa han na magiging mainit ang sitwasyon lalo na sa panahon ng eleksiyon. Ang nasabing budget ay mas mataas kumpara sa inilaang pondo para sa Quezon City Police District na nagkakahalaga ng P117.8M.
Nakalaan ang nasabing budget sa pagsasanay ng pulisya, programa sa makabagong teknolohiya gaya ng CCTV camera sa ilang crime prone areas, modernong baril at iba pang kagamitan.
Maging sa darating na kapaskuhan ay titiyakin din ng QCPD ang seguridad ng publiko. Masusing iniimbestigahan ngayon ng QCPD ang pagpapasabog ng improvised explosive device sa Katipunan at Puregold sa Commonwealth Avenue at ang tangkang panghoholdap sa Walter Mart sa EDSA-Muñoz. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending