19 Pinoy seamen binihag

MANILA, Philippines - May 22 tripulanteng kinabibilangan ng 19 na Pilipino ang binihag ng mga piratang Somali makaraang harangin ang kanilang sinasakyang barkong pangkargamento sa Indian Ocean kaha­pon.

Ayon sa ulat ng European Union Naval Force, meron ding tatlong Gri­yego sa hinarang na bar­kong Filitsa.

Nabatid na ang barko ay sinalakay ng mga pirata may 400 milya sa northeast ng island nation ng Seychelles, ha­bang patungo ito sa South African port sa Durban.

Sa kasalukuyan, uma­abot na umano sa 12 barko ang hawak ng mga pirata na may sakay na mahigit sa 200 katao. (Mer Layson)

Show comments