District engineer igigisa

MANILA, Philippines - Magpapadala si Public Works Secretary Victor Domingo ng isang legal team sa Guimaras, Iloilo sa susunod na linggo para imbestigahan ang mga alegasyon laban sa isang district engineer na inakusahan sa Office of the Ombudsman ng kasong graft at improper conduct kabilang ang pagtungo at pagtaya sa mga sabungan kahit na sa oras ng trabaho.

Sinabi ni Domingo na, sa oras na malaman nilang positibo ang ulat, kanilang sususpindihin ito lalo na kung ipag-uutos ng Office of the Ombudsman.

Nauna rito, hiniling ng isang grupo ng mga residente ng Guimaras kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na suspindihin agad habang iniimbestigahan at magsagawa ng isang lifestyle check laban kay District Engineer Teodoro “Teodore” Castillo ng Guimaras engineering district dahil sa alegasyon ng graft at improper conduct ng isang public official.

Show comments