^

Bansa

Flu testing nilinaw

-

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Department of Health na noong nakaraang taon pa nila iniimbestigahan ang umanoy anomalya sa flu-testing machine na ibinunyag ng isang labor group.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na hindi umano totoo na wala silang alam sa nasabing usapin dahil simula pa lamang noong Agosto ng nakaraang taon ay inimbestigahan na nila ito nang magreklamo ang kumpanyang Macare na pag aari din ng isang Pilipino tungkol dito.

Nilinaw pa ng kalihim na iniimbestigahan na nila ang Research Institute for Tropical Medicine at lahat ng opisyal at personnel nito kabilang na dito ang director na si Dr. Remigio Olveda na siyang sangkot sa pagbili ng nasabing flu-testing machines.

Ang flu-testing machines na kahalintuald ng ginagamit ng RITM at tatlo pang laboratoryo mula sa Roches ay ginagamit sa pagkumpirma ng isang taong pinaghihinalaang nagtataglay ng A H1N1 virus. (Gemma Amargo-Garcia)

AGOSTO

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. REMIGIO OLVEDA

GEMMA AMARGO-GARCIA

MACARE

NILINAW

PILIPINO

RESEARCH INSTITUTE

SECRETARY FRANCISCO DUQUE

TROPICAL MEDICINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with