Kuryente isasama sa EO 839?

MANILA, Philippines - Pag-aaralan ng Malacañang ang panukala ng mga militanteng grupo na isama sa pagpapatupad ng Executive Order 839 ang ginagawang pagtataas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman at Press Undersecretary Anthony Golez na palaging bukas ang Palasyo sa anumang suhestiyon na mula sa ibat ibang grupo kahit mula ito sa militanteng grupo.

Kailangang anyang pag-aralan ito pero dapat ding tignan ang realidad kaugnay sa Meralco retail rates na may ipinapataw na ibat ibang charges tulad ng generation, transmission, system loss, distribution, supply at metering. (Rudy Andal)

Show comments