MANILA, Philippines - Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption sa National Capital Region Police Office na gumamit ng mas mahusay at epek tibong istratehiya para masawata ang pagdami ng krimeng tulad ng holdapan at nakawan habang papalapit ang Kapaskuhan.
Sinabihan ni VACC Chairman Dante Jimenez si NCRPO Chief Director Roberto Rosales na hindi malulutas sa ningas-kugon tactic ang problema.
Lumalabas sa datos ng NCRPO, umaabot sa 781 ang bilang ng kaso ng mga nakawan at holdapan noong Hulyo na mas mataas kumpara sa monthly average nitong 459 mula Enero hanggang Hunyo. Umabot naman sa 833 ang ganitong mga kaso noong Agosto at 812 naman noong Setyembre.
Pinuna ni Jimenez na puro pangmadalian o shortcut ang pamamaraan ni Rosales na nagbubunsod sa palyadong pagtangan sa mga kaso.
Ayon pa kay Jime nez, nakumpirma lang sa es tadistika ng NCRPO ang kanyang obserbasyon na maraming mahihinang batas at taga pagpatupad nito ang bansa.
Nagpahayag din ng pagkadismaya ang mga kongresistang sina Rozzano “Ruffy” Biazon ng Muntinlupa at Edno Joson ng Nueva Ecija sa pag-amin ni NCRPO Spokesman Supt. Rommel Miranda na maaaring hindi solusyon sa mga krimen ang police visibility.
“Nakakalungkot. Bagaman ang mga krimen ay maaari ring bunsod ng kahirapan, pangunahin pa ring solusyon dito ang police visibility,” sabi ni Biazon na miyembro ng committee on public order and safety ng House. (Butch Quejada)