^

Bansa

Bagong istratehiya sa krimen hiling sa NCRPO

-

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption sa National Capital Region Police Office na gumamit ng mas ma­husay at epek­ tibong is­tratehiya para masawata ang pagdami ng krimeng tulad ng hol­dapan at na­kawan ha­bang papalapit ang Ka­paskuhan.

Sinabihan ni VACC Chairman Dante Jimenez si NCRPO Chief Director Roberto Rosales na hindi malulutas sa ningas-kugon tactic ang pro­blema.

Lumalabas sa datos ng NCRPO, umaabot sa 781 ang bilang ng kaso ng mga nakawan at hol­dapan noong Hulyo na mas ma­taas kumpara sa monthly average nitong 459 mula Enero hang­gang Hunyo. Umabot naman sa 833 ang ga­nitong mga kaso noong Agosto at 812 naman noong Setyembre.

Pinuna ni Jimenez na puro pangmadalian o shortcut ang pamama­raan ni Rosales na nag­bu­bun­sod sa palyadong pag­tangan sa mga kaso.

Ayon pa kay Jime­ nez, nakumpirma lang sa es­ tadistika ng NCRPO ang kanyang obser­bas­yon na maraming mahi­hinang batas at taga­ pag­patupad nito ang bansa.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang mga kongresistang sina Roz­zano “Ruffy” Biazon ng Muntinlupa at Edno Joson ng Nueva Ecija sa pag-amin ni NCRPO Spokesman Supt. Rommel Mi­randa na maaaring hindi solusyon sa mga krimen ang police visibility.

“Nakakalungkot. Ba­gaman ang mga kri­men ay maaari ring bun­sod ng kahirapan, pangu­nahin pa ring solusyon dito ang police visibility,” sabi ni Biazon na miyem­bro ng committee on public order and safety ng House. (Butch Quejada)

vuukle comment

BIAZON

BUTCH QUEJADA

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

CHIEF DIRECTOR ROBERTO ROSALES

EDNO JOSON

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NUEVA ECIJA

ROMMEL MI

SHY

SPOKESMAN SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with