^

Bansa

4 Pinoy, 4 araw palutang-lutang sa karagatan, nasagip

-

MANILA, Philippines - Apat na mangingisdang Pinoy na na-stranded ng apat na araw sa gitna ng karagatan ang nasagip ng isang Chinese cargo vessel. 

Base sa report, sinabi ni Wang Baoquan, kapitan ng barkong Heng Sheng Men na habang patungo sila sa China mula India ay naispatan nila dakong alas-10 ng umaga noong Nobyembre 5 ang mga mangi­ngisdang Pinoy habang palutang-lutang sa karagatan.

Lumubog ang bangka ng mga Pinoy noong Nobyembre 1 nang maka-engkuwentro ang malalakas na hangin at matataas na alon bunga ng bagyong Santi. Pinalad namang nakahawak ang apat sa mga nakalutang na mga pira-pirasong bahagi ng nawasak na bangka.

Hinang-hina na ang kanilang katawan nang suwerteng makita ang paparating na Chinese vessel kaya agad nilang kinawayan at mabilis naman silang nasagip. Nasa maayos na kalagayan na ang apat. (Ellen Fernando)

vuukle comment

APAT

ELLEN FERNANDO

HENG SHENG MEN

HINANG

LUMUBOG

NOBYEMBRE

PINALAD

PINOY

SANTI

WANG BAOQUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with