MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may 4.9 magnitude ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon ng umaga.
Ayon kay Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, tectonic ang origin nito at ang epicenter ng lindol ay naitala sa 140 kilometro timog silangan ng Davao City o nasa may 155 kilometro silangan ng General Santos City.
Bunsod nito, naitala ang lindol sa lakas na intensity 4 sa Tuburan, Intensity 3 sa Cebu City habang ang Kanlaon City sa Negros ay intensity 1 na naramdaman dakong alas 8:20 kahapon ng umaga.
Wala namang napaulat na napinsalang mga ari-arian ang naturang pagyanig gayundin sa mga residente ng nabanggit na mga lugar. (Angie dela Cruz)