Pag-rescue kay Sinnott binabantayan ng DILG

MANILA, Philippines - Matamang binabantayan ni Interior and Local Go­vernment Secretary Ronaldo Puno ang ginagawang hakbang ng Philippine National Police (PNP) upang mailigtas ang nakidnap na si Irish priest Michael Sinnott mula sa mga rebeldeng grupo.

Personal na pinangunahan ni Puno ang hakbang na ito ng PNP upang ligtas na makalaya ang naturang pari mula sa mga grupong dumukot dito.

Sinasabing ang rescue operations ang last resort para maisalba ang buhay ng pari pero kailangan munang ma­ ayos ang crisis management committee ng DILG para rito.

Sinasabing nagalit naman ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang sabihin ni Puno na ang naturang grupo ang nasa likod ng pagdukot kay Sinnott sa Pagadian City noong Oktubre 11.

Noong nakaraang buwan, nakita sa isang video sa TV si Sinnott at nagsabing humihingi ang kanyang mga kidnappers ng halagang $2 milyon para siya ay makalaya. (Angie dela Cruz)

Show comments