^

Bansa

Muling pagbiyahe ng Sulpicio kinondena: Marina kinuyog!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Tahasang kinondena ng mga kaanak ng mga biktima ng paglubog ng MV Princess of the Stars ang desisyon ng Maritime Industry Authority (MARINA) na pahin­tulutang bumiyahe ang isa sa mga barko ng Sulpicio Lines.

Sinugod ng mga ka­anak ang tanggapan ng Marina para tutulan ang pagpapabiyahe sa MV Princess of the South na tulad ng sa Princess of the Stars ay pag-aari din ng nasabing kumpanya.

Nauna rito, pinahin­tulutan ni Marina Administrator Ma. Elena Bautista ang paglalayag muli sa karagatan ng Princess of the South.

Nang lumubog ang “Princess” noong Hunyo 21, 2008 na iki­nasawi ng maraming pa­sahero, agad na sinus­pinde ng Marina ang ope­rasyon ng lahat ng barkong pampasahero ng Sulpicio. Dalawa sa mga barko nito ay pinabiyahe noong hu­ling bahagi ng nakaraang taon pero kapwa pangkar­gamento ang mga ito.

Pinuna ng mga kaanak ng mga biktima na hindi pa nakakasunod nang ganap ang mga pampasaherong barko ng Sulpicio sa mga safety requirements na hinihingi rito ng Marina.

Idinagdag pa nila na, kahit hindi pa naiiahon mula sa ilalim ng kara­ga­tan ng Sibuyan Island ang Princess of the Stars, tila nag­mamadali ang liderato na payagan nang makabi­yahe ang ibang mga pam­pasaherong barko ng Sulpicio.

Nabatid na pinormalisa ng United Filipino Seafarers sa pangunguna ng pangulo nitong si Nelson Ramirez ang pagsasampa ng reklamo sa pamama­gitan ng isang sulat sa Ma­rina Board para kuwes­tyunin ang naturang de­sisyon ni Bautista. 

Una nang sinampahan ng mga kamag-anak ng biktima ng kasong kriminal at administratibo ang pa­munuan ng Sulpicio at kasa­lukuyan pang naka­binbin sa Marina.

Magugunita na may 800 pasahero ang na­matay ng lumubog ang MV Princess sa Sibuyan Island sa Romblon habang nasa kasagsagan ng bagyong Frank. (May ulat ni Gemma Garcia)

ELENA BAUTISTA

GEMMA GARCIA

MARINA ADMINISTRATOR MA

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

PRINCESS OF THE SOUTH

PRINCESS OF THE STARS

SHY

SIBUYAN ISLAND

SULPICIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with