^

Bansa

Atienza suportado ng CBCP

-

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Ca­tholic Bishops’ Conference of the Philippines si Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza sa oras na tumak­bo ito sa nalalapit na 2010 national election.

Ayon kay Lipa, Ba­tangas Archbishop Ra­mon Arguelles, vice chairman ng CBCP-Espis­copal Commission on Family and Life na mata­gal na ilang ini-endorso si Atienza dahil sa paninin­digan nito na laging pabor sa buhay at kalikasan. Nilinaw nito na kung pa­nanatiliin ni Atienza ang pakikipaglaban para sa buhay at kalikasan ay tiyak na makukuha nito ang suporta ng simbahan, bukod pa na naging ma­buti itong kaibigan.

PInayuhan din ni Ar­guelles ang publiko na bumoto hindi dahil sa sikat ang isang kandidato kundi dahil sa isinusulong nitong programa na alin­sunod sa panuntunan ng simbahan. Maituturing din na kuwalipikado si Atien­za na tumakbo sa pag­kapangulo.

“We will support pro-life programs. Let us vote for programs. Kung ano ang dinadalang programa ng isang kandidato batay sa turo ng simbahan,” ani pa ni Arguelles. (Mer Layson)

ARCHBISHOP RA

ARGUELLES

ATIEN

ATIENZA

AYON

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY LITO ATIENZA

ESPIS

FAMILY AND LIFE

MER LAYSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with