Buwis sa tiangge legal daw
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo na legal ang gagawing pagpapataw ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga tiangge ngayong Kapaskuhan.
Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, hindi exempted ang mga tiangge sa pagbabayad ng buwis dahil nasa batas naman na dapat lamang silang buwisan.
Kung noong araw anya ay hindi napapatawan ng buwis ang mga tiangge ay naging “inefficient” lamang ang mga tax collectors.
Samantala, walang balak ang Malacañang na hilingin ang pagbibitiw bilang delicadeza nina Finance Secretary Margarito Teves at Customs Commissioner Napoleon Morales.
Si Sec.Teves ay tinanghal kamakailan bilang Finance Secretary of the Year sa Asya dahil sa kahusayan nito.
Ipinauubaya na lamang niya sa mga opisyal ng gobyerno na nabigo na makuha ang kanilang “target collections” kung dapat ba nilang tularan si BIR chief Sixto Esquivias IV na nagbitiw matapos mabigong makuha ang target collections ng kanilang ahensiya. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending