MANILA, Philippines - Inalis na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga pangalan nina Ondoy at Pepeng sa talaan ng mga bagyo sa taong 2014 dahil sa matinding epektong idinulot nito sa mga tao at kapaligiran.
Ayon kay PAGASA Director Prisco Nilo, naghahanap na sila ng pampalit na pangalan sa Ondoy at Pepeng.
Una nang natanggal sa talaan ang Bagyong Milenyo at Reming dahil din sa malaking marka ng sakuna na iniwan nito sa bansa.
Taong 2009 nabago ang mga pangalan ng bag yo sa bansa at makaraan ang limang taon, babaguhin ulit ito ng PAGASA.
“Bastat ang isang bagyo ay may malaking epekto sa bansa, pinapalitan na natin,” sabi ni Nilo. (Angie dela Cruz)