^

Bansa

Abogado inireklamo sa IBP

-

MANILA, Philippines - Inireklamo kamakailan si Atty. Bonifacio A. Alen­tajan sa Integrated Bar of the Philippines dahil sa umano’y pagpalsipika ng pampublikong doku­mento para sa kanyang kliyen­teng si Siu Ting Alpha Kwok na nahulihan ng P200 milyong halaga ng mga diyamante at ibang mamahaling bato sa Quezon City.

Tumanggi ang IBP na magsalita hinggil sa rek­lamo laban kay Alentajan sa pagsasabing confidential ang impormasyong ito.

Nabatid na ang rek­lamo ay inihain ni Presidential Anti-Smuggling Group Director for Administration and Finance and Chief of Staff Jeffrey Pata­waran.

Hindi makumpirma kay Patawaran ang ulat pero sinasabi ng ilang impor­mante sa PASG na nag­karoon ng gusot sa ilang tauhan ng Malacañang at si Alentajan dahil sa ilang pahayag nito na sumisira sa reputasyon ng ahensya.

Nauna rito, kinasuhan nina PASG Undersec­retary Antonio Villar at ng ibang opisyal nito si Alen­tajan ng libel dahil sa pa­hayag nito na iligal ang pagkakaaresto kay Kwok at humihingi ng mil­ yun-milyong piso ang mga emisaryo ng PASG kapalit ng kalayaan ng kliyente nito.

Inihabla rin ni Pata­waran sina Alentajan, Kwok at isang Agcaoili ng falsification of public document dahil sa umano’y pagplantsa ng mga ito ng petition for bail ni Kwok sa Bureau of Im­migration. (Butch Quejada)

ADMINISTRATION AND FINANCE AND CHIEF OF STAFF JEFFREY PATA

ALENTAJAN

ANTONIO VILLAR

BONIFACIO A

BUREAU OF IM

BUTCH QUEJADA

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

KWOK

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP DIRECTOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with