Obispo sa mga pulitiko, Laban ni Pacquiao sa TV na lang panoorin

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Manila Arch­bishop Gaudencio Cardinal Rosales ang mga politiko na ilaan na lang sa mahihirap ang perang gagastusin patungo sa Amerika para sa panonood sa laban ng Peoples champ na si Manny Pacquiao sa Nobyembre 15.

Ayon kay Rosales, walang pakialam sa kapwa ang mga politikong ga­gastos ng malaking halaga para lang manood ng “live” sa naturang laban ni Pac­quiao dahil naku­kuha pang magsaya ng mga ito sa kabila ng napa­karaming tao ang nanga­ngailangan ng pinansiyal na tulong, lalo na ang mga nasalanta ng bagyo.

Aniya, sa telebisyon lang ay maaari ng mapa­nood ang laban ni Pac­quiao at dapat na itulong na lang sa mahihirap na Pinoy ang kanilang pera.

Una ng naireport na maraming mambabatas ang ngayon ay nasa Ame­rika, at marami pa umano ang may planong mag­tungo dito para manood sa laban ni Pacquiao.

Sa ngayon aniya, ang mga pulitiko at ang pama­halaan lamang ang naki­kita ng publiko na maa­aring makatulong sa kanila upang makabawi at muling magsimulang mamuhay. (Mer Layson/Doris Franche)

Show comments