MANILA, Philippines - Kukunin ng Department of Agriculture (DA) ang tulong ng mga negosyante ng baboy sa Visayas at Mindanao upang mapunan ang pangangailangan sa suplay nito sa Luzon sa panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Department of Agriculture assistant secretary Salvador Salacup, ang mga pork suppliers mula Visayas at Mindanao ay nangako na pupunan ng mga ito ang panganga ilangan sa karne ng baboy sa Luzon sa naturang okasyon.
Sinabi ni Salacup na ginagawa ang lahat ng ahensiya upang hindi kulangin ang suplay ng karne ng baboy ang Metro Manila kayat kahit international suppliers ay kanilang kokontakin para dito.
Ang hakbang na ito naman anya ay hindi nangangahulugan na tataas ang halaga ng karne ng baboy kung galing ng Visayas at Mindanao at ibayong dagat.
Ito ay sa kabila ng unang pahayag ni National Federation of Hog Farmers, Inc. president Albert Lim Jr. na ang magdala ng produktong baboy sa Metro Manila mula Mindanao ay may kataasan ang halaga dahil ang shipping companies levy ay P15 kada kilo ng baboy.
Kumonti ang suplay ng karne ng baboy mula sa Luzon na dinadala sa Metro Manila dahil sa epekto ng mga bagyong Ondoy, Pepeng at Santi.
Anya, sapat naman ang suplay ng bigas at manok sa bansa sa panahon ng Ka paskuhan. (Angie dela Cruz)