^

Bansa

Morales pinagbibitiw ng AGAP

-

MANILA, Philippines - Kung si dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Sixto Esquivas Jr. ay nagbitiw sa kan­yang tungkulin dahil ka­pos ng P30-bilyon ng koleksyon ang BIR, dapat na rin uma­ nong mag-resign si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Napoleon Morales dahil umaabot na sa ma­higit sa P200-bilyon ang shortfall ng koleksyon ng BOC nga­yong taon.

Sa isang media forum sa Maynila, inihayag ni Agricultural Sector Alliance (AGAP) party-list Rep. Nicanor Briones na bigo rin si Morales na masugpo ang nagaganap na smuggling sa bansa, partikular na sa iba’t-ibang produktong pang-agrikultura kaya ma­rapat lamang na bitiwan na nito ang kanyang puwesto.

Anang mambabatas, umiiyak na ang mga mag­sasaka, magbababoy at magmamanok dahil sa patuloy na smuggling ng mga imported na sibuyas, carrots, patatas at karne na nagkalat ngayon sa ibat-ibang pamilihan pa­r­tikular na sa Divisoria.

Kung dati-rati anya ay sa mga probinsiya at la­la­wigan nanggagaling ang ibat-ibang produk­tong pang-agrikultura, ngayon ay sa mga bo­dega sa Metro Manila nanggagaling pa­tungo ng mga probinsiya.

Ngayon umano ang panahon na dapat na higit na tulungan ng gobyerno, partikular na ang BOC, ang mga magsasaka da­hil na­ngasira ang mara­ming pananim na gulay, palay at nangamatay ang kanilang mga alagang hayop dahil sa sunod-sunod na bagyo. (Butch Quejada)

AGRICULTURAL SECTOR ALLIANCE

ANANG

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE COMMISSIONER SIXTO ESQUIVAS JR.

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

METRO MANILA

NICANOR BRIONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with