11 sundalo na sangkot sa kudeta laya na
MANILA, Philippines - Pinalaya na ang 11 sundalo sa 28 Marine officers na sangkot sa bigong kudeta noong February 2006.
Kinumpirma ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Romeo Brawner Jr., ang pagpapalaya kina Col. Januario Caringal; Lt. Colonels Edmundo Malabanjot at Nestor Flordeliza; Major Francisco Domingo Fernandez: Captains Ruben Guinolbay; Frederick Sales; at Allan Aurino; at 1st Lts. Ervin Divinagracia; Jacon Cordero; Sandro Sereno at Richiemel Caballes.
Ang mga nasabing sundalo ay ibabalik na sa kanilang serbisyo bilang malayang tao, ngunit nasa mga sundalo pa rin ang desisyon kung nais pa nilang bumalik sa serbisyo o magresign mula sa military service.ng military tribunal na naghain ng kasong coup attempt laban sa mga sundalo ang nagpasyang palayain ang mga ito matapos malinis ang kanilang pangalan sa kaso.
Nananatili namang nakakulong ang 17 pa kabilang sina dating Marine Commandant, Renato Miranda, dating Scout Ranger chief, Brig. Gen. Danilo Lim at medal of valor awardees Col. Ariel Querubin at Lt. Col. Custodio Parcon. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending