'Walang form, walang rehistro'- Comelec

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Commission on Elections na hindi extension ng vo­ters’ registration ang isa­sagawa ngayon dahil ta­pos na ang October 31 deadline para sa pagpa­patala ng mga bagong botante.

Ayon kay Comelec spokesman James Jime­nez, pumayag lamang ang komisyon na ipag­patuloy ang rehistrasyon ngayong Martes para tapusin la­mang ang na­simulan ng proseso na naapektuhan ng brownout at bagyong Santi noong Sabado.

Iginiit ni Jimenez ta­tanggapin lamang ng Comelec ang mga registrants na una ng nabigyan ng mga forms para mata­pos ang kanilang pagpa­patala.

Sa latest figure na ha­wak ni Jimenez, uma­ abot na sa 2.4 milyon ang mga new registrants habang inaasahan nila na aakyat pa ito sa tat­long milyon pagkatapos ng gagawing hearing ng kanilang election registration board.

Pinaalala naman ng opisyal na sa November 20 na ang simula ng paghahain ng certificate of candidacy para sa mga nais tumakbo sa 2010 elections kung saan mag­tatapos naman ito sa November 30.

Sa Pebrero 9, 2010 na­ man ang simula ng pa­nga­ngampaniya para sa national position habang sa Marso 26, 2010 ang tak­dang petsa ng simula ng kam­paniya para sa local na posisyon. (Doris M. Franche)

Show comments