Pangasinan mayor sabit sa Greenbelt robbery

MANILA, Philippines - Ikinabahala ni Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo ang mga ulat na isang alkalde sa Panga­sinan ang konektado sa kilabot na Alvin Flores robbery gang.

Sinasabi ng pulisya na ang nasabing gang ang may kagagawan sa pang­hoholdap sa isang tin­dahan ng mamahaling relo sa Greenbelt 5 sa Makati City noong naka­raang buwan.

Ginawa ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez ang paha­yag bilang reaksyon sa pagbubunyag ng isang nadakip na suspek na si Dennis Serquina na nag­tatrabaho umano ito bi­lang bodyguard ng isang alkalde sa isang bayan sa Pangasinan.

Napaulat din na, noong nakaraang linggo, napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis ang lider ng grupo na si Alvin Flores.

“Seryosong akusas­yon yan na kailangang im­bestigahan dahil hindi pinapayagan ng pama­halaang ito ang sinuman na gamitin ang kapang­yarihan ng pagiging ehe­kutibo ng isang pamaha­laang local para gumawa ng buktot na krimen,” sabi ni Golez.

Sinabi ni Golez na ti­nagubilinan na ng Mala­cañang ang mga opisyal ng Philippine National Police na magbigay ng mga bagong report sa imbestigasyon nito sa naturang insidente.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang PNP na pag-ibayuhin ang kampanya laban sa mga di-lisen­si­yadong baril dahil pi­nangangambahang da­rami ang mga krimen sa susunod na mga buwan dahil ilang pulitiko ang maaaring gumawa ng iligal na aktibidad para mangilak ng pondong gagamitin nila sa elek­syon.

Show comments