^

Bansa

Isa pang sama ng panahon binabantayan

-

MANILA, Philippines - Isa na namang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang papasok sa bansa sa susunod na araw.

Ayon kay Benjie Paz, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang tinatawag na shallow low-pressure area (SLPA) ay nasa layong 820 km sa Silangang Luzon pasado alas 2:30 kahapon ng hapon.

“Minomonitor pa natin kung ano ang posibilidad na mangyayari sa ngayon hindi pa masasabi na magiging bagyo ito,” sabi pa ni Paz.

Sinasabing sa sandaling ang sama ng panahon ay maging bagyo pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas tatawagin itong “Tino,” ang ika-20 bagyo na pumasok sa bansa.

Samantala, tuluyan nang lumayo sa bansa si Santi na nasa 600 kilometers sa Metro Manila, may bilis na 85 kilometro bawat oras sa gitna at may bugsong hanging 100 kph.

Gayunman, makakaranas pa rin ng maulap na papa­wirin at pag-ambon at pagkidlat ang bahagi ng Palawan, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay bahagyang magkakaroon ng maulap at may pag-ambon, gayundin ang pag-ulan o pagkidlat. (Ricky Tulipat)

AYON

BENJIE PAZ

GAYUNMAN

ISA

METRO MANILA

MINOMONITOR

PAGASA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

RICKY TULIPAT

SILANGANG LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with