^

Bansa

No ransom kay Fr. Sinnott

- Nina Doris Franche, Mer Layson, Rudy Andal at Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi magbibigay ng ransom money ang kinaa­ anibang Missionary Society of St. Columban ni Irish priest Fr. Michael Sinnott ka­palit ng paglaya nito.

Sa statement na ipina­dala sa Catholic Bishops Conference  Philippines News ni Fr. Patrick O’Do­noghue, major superior, matigas ang paninindigan nito na wala silang ibaba­yad na anumang ransom money bagamat lumabas ang proof of life ni Sinnott na hawak ng isang Commander Abu Jayad at hu­mihingi ng $2 milyong ransom.

Ayon pa kay O’Dono­ghue, polisiya ng kanilang congregation na hindi ka­ilangan na magbayad ng anumang ransom.

Gayunman, malaki ang kanyang kasiyahan na ma­kitang maayos naman si Sin­nott sa kamay ng kan­yang mga abductors at may sapat na mga gamot para sa kanyang sakit ngunit nag-aalala pa rin umano ito dahil ang nasabing video aniya ay ni-record walong araw na ang nakararaan.

Kasabay nito, siniguro kahapon ng Malacañang na inaasikaso ng gobyerno ang paglaya ni Fr. Sinnott kung saan ay inatasan na ni Pangulong Arroyo si DILG Sec. Ronaldo Puno upang pangasiwaan ang negosasyon upang mapa­laya ang pari na walang ibinabayad na ransom.

Iginiit din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “no ransom policy” kaugnay sa hinihi­nging $2 million o P95 million demand ng mga dumu­kot sa pari.

Nauna nang ipinalabas ng mga kidnappers ang video ng pari, na nagpapa­kita na may hawak itong isang pahayagang broadsheet na patunay na buhay pa ito.

Nananawagan naman si O’Donoghue sa mga ma­bubuting tao na tulungan sila at gawin ang nararapat na pakiusap at panghihi­kayat sa mga abductors ni Sinnott na palayain na ito sa lalong madaling pana­hon.

Naniniwala ito na hindi naman umano lubos na masama ang mga abductors ni Sinnott at kailangan lamang ang pakikipag-usap ng pamahalaan upang ma­ ayos ang lahat. 

Matatandaang katata­pos lamang sumailalim ni Fr. Sinnott, 79, sa heart bypass operation, kaya deli­kado pa ang kalagayan nito.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE

COMMANDER ABU JAYAD

MICHAEL SINNOTT

MISSIONARY SOCIETY OF ST. COLUMBAN

PANGULONG ARROYO

PATRICK O

SHY

SINNOTT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with