Dayuhang barko sumadsad

MANILA, Philippines - Tatlong dayuhang bar­ko ang sumadsad mata­pos hampasin ng malala­king alon at malakas na hangin dala ng bagyong si “Santi” kaya napilitang tumabi sa bahagi ng Ca­vite at Maynila kahapon ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard.

Ang dalawang Singa­porean-flagship vessels na M/Tug Kimrans na sakay ang siyam na Indonesians at Barge Toll 3319 na may kargang uling ang gumilid muna sa bahagi ng breakwater sa Manila International Container Terminal’s dakong 5:00 ng umaga, kahapon.

Bandang alas-6:17 naman ng umaga, isang Panamanian-flagship cargo vessel din ang gumilid din malapit sa bisinidad ng firing range sa Sangley sa Cavite. (Ludy Bermudo)

Show comments