^

Bansa

Bise kinasuhan sa illegal logging

-

MANILA, Philippines - Sinampahan ng ka­song administratibo sa Office of the Ombudsman ang bise-alkalde ng ba­yan ng Dipaculao sa la­lawigan ng Aurora dahil sa pagka­kasangkot uma­no sa ope­rasyon ng illegal logging.

Sa dalawang pahi­nang reklamo na isinu­mite ng mga residente ng bayan base sa affidavit ni Rode­rick Tangalin, ina­kusahan nila si Vice Mayor Narciso Amansec na sangkot sa illegal logging mula pa noong 2007.

Nabatid na si Aman­sec umano ang may-ari ng 10,380 board feet ng troso na may halagang P2.4 milyon na nasakote ng mga operatiba ng De­pacu­lao police station noong Nob. 13, 2007.

Sinampahan si Aman­sec kasama pa ang ilang pribadong indibidwal ng kaso sa Provincial Prosecutors Office ng Aurora noong Agosto 11, 2008 sa paglabag sa Presidential Decree no. 705 o ang “Revised Forestry Code”. 

Naaresto si Amansec sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ar­mando Yanga ng Branch 66 ng Aurora Regional Trial Court at kasa­lukuyang nakaditine sa Aurora Provincial Jail.

Pinatatanggal rin ng mga nagrereklamo sa kan­yang posisyon si Amansec at pinagbaba­walan na umupo sa iba pang pu­westo sa pama­ha­laan. Iginiit ng mga nag­petisyon na isa umanong “grave misconduct” ang illegal logging na may elemento ng korapsyon at paglabag sa batas at sa serbisyo pub­liko. (Butch Quejada)

AMAN

AMANSEC

AURORA PROVINCIAL JAIL

AURORA REGIONAL TRIAL COURT

BUTCH QUEJADA

JUDGE AR

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PRESIDENTIAL DECREE

PROVINCIAL PROSECUTORS OFFICE

REVISED FORESTRY CODE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with