^

Bansa

Libreng sakay ngayong Undas

-

MANILA, Philippines - Nakatakdang mag­laan si dating Presidential Peace Adviser Sonny Razon ng libreng assistance sa mga Manileño na magtutungo sa mga sementeryo sa Araw ng Mga Kaluluwa sa November 1.

Sinabi ni Razon na mayroong mga sasakyan na mag-iikot sa buong Maynila upang magbigay ng libreng sakay para sa mga Manileño na mag­tutungo sa South Cemetery at North Cemetery at dadalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Idinagdag pa ni Razon na mamimigay din ang kanyang grupo ng libreng bottled waters at medical first aid treatment.

Ayon pa kay Razon, mayroong 12 pampasa­herong jeep na mag-iikot nang libre para sa Mani­lenyo

Sinabi pa ng dating hepe ng Philippine National Police at ng Manila Police District na nag­ bitiw kamakailan bilang presidential peace adviser, na ang mga volunteer na sasama sa kanya sa Ling­go (November 1) ay ang mga tao rin na naki­isa sa kanya nang magsagawa siya ng relief operations sa Maynila para sa bik­tima ng bag­yong Ondoy.

Karamihan sa mga volunteers ni Razon ay mga miyembro ng We Are the Reason Movement, isang citizens advocacy group sa Maynila. (Ludy Bermudo)

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILE

MAYNILA

MGA KALULUWA

NORTH CEMETERY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER SONNY RAZON

RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with