Warning system ng PAGASA popondohan ng Korea
MANILA, Philippines - Upang higit na mamonitor ng PAGASA ang mga bagyong dumarating sa bansa, maglalaan ng pondo ang South Korean government sa ahensiya para makabili ng early warning system na tutulong na magbigay ng impormasyon sa ahensiya kapag may kala midad.
Ayon kay PAGASA Director Prisco Nilo, may halagang $3-milyon ang proyekto na lalagay sa Pasig-Marikina river basin.
Ang Pasig City at Marikina City ang higit na naapektuhan ng bagyong Ondoy kaya prayoridad itong maunang benepis yuhan ng proyekto sa Metro Manila.
Ang proyekto ay kaka palooban ng flood forecasting, early warning systems at emergency response. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending