^

Bansa

Chiz itsapwera kay Villar!

-

MANILA, Philippines - Idiniin kahapon ng isang mapagkakati­wa­laang impormante sa Na­cionalista Party na ipinu­wera na nila si Senador Francis “Chiz” Escudero sa mga pinagpipilian ni NP President at Senador Manny Villar bilang running mate nito sa halalang pam­panguluhan sa susunod na taon.

Sinabi ng impormante na isinagawa ng NP ang hakbang kasunod ng pag­tiwalag ni Escudero sa Nationalist People’s Coalition dahil P200 milyon lang ang naipapangako ng lider ng NPC at negosyanteng si Eduardo “Danding” Co­juangco para pondohan ang kanyang presidential campaign.

Pinuna ng impormante na, dahil sa pera, tinali­ku­ran ni Escudero ang NPC na ginamit niya para sa kanyang personal at puli­tikal na interes sa loob ng 10 taon.

Idinagdag ng impor­mante na hindi pa naka­kalimutan ni Villar kung papaano siya siniraan ni Escudero noong naka­raang Setyembre sa pag­sasabi ng huli na hindi kailan man siya tatakbo sa ilalim ni Villar.

“Ayaw ng NP na matu­lad sa NPC na matapos gamitin ni Escudero ay parang basahan na basta na lang idinispatsa. Wala siyang loyalty sa partido at wala rin siyang word of honor. Kung meron ba naman ay bakit sasabihin niyang ayaw niya kay Se­nator Villar tapos ay luma­lapit siya ngayon dito.”

Dismayado din ang ma­rami sa NPC dahil ani­la’y hindi na isinoli ni Escu­dero ang initial na P100 million na ibinigay sa kanya ng partido noong hindi pa siya kumakalas dito. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYAW

BUTCH QUEJADA

CHIZ

DISMAYADO

EDUARDO

ESCU

NATIONALIST PEOPLE

SENADOR FRANCIS

SENADOR MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with