MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Northern Police District at Camanava Police ang kampanya laban sa mga illegal na naninirahan sa mga pampublikong sementeryo dito bilang paghahanda sa seguridad para sa paggunita ng All Saints at All Souls day.
Inatasan ni NPD Director Atty. Samuel D. Pagdilao Jr., ang lahat ng hepe ng pulisya na linisin ang 23 sementeryo sa mga nasasakupang lugar nito matapos na makatanggap ng ulat na ilang grupo at indibiduwal ang nagtatago dito o ginagawang safehouse para sa mga illegal na aktibidad. Sinimulan ang paglilinis simula noong Martes, kung saan 15 katao ang naaresto at nakuhanan ng matatalas na armas.
Wala naman nahuling squatters sa ilang sementeryo sa Valenzuela City. Malaki naman ang pasasalamat sa pulilsya ng mga pinuno sa mga sementeryo dito dahil sa maagang saturation drive.
Nagtayo din ang NPD ng Poli/Public Assistance Centers sa loob at labas ng 23 sementeryo dito para matiyak ang kaligtasan ng publiko na gugunita sa Araw ng mga Patay. (Lordeth Bonilla)