^

Bansa

23 sementeryo 'lilinisin' sa Oplan Galugad ng NPD

-

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Northern­ Police District at Camanava Police ang kampanya laban sa mga illegal na naninirahan sa mga pampublikong se­men­teryo dito bilang pag­hahanda sa seguridad para sa paggunita ng All Saints at All Souls day.

Inatasan ni NPD Director Atty. Samuel D. Pag­dilao Jr., ang lahat ng hepe ng pulisya na linisin ang 23 sementeryo sa mga nasa­sakupang lugar nito ma­tapos na makatanggap ng ulat na ilang grupo at indi­biduwal ang nagtatago dito o ginagawang safe­house para sa mga illegal na akti­bidad. Sinimulan ang pagli­linis simula noong Martes, kung saan 15 katao ang naaresto at nakuhanan ng matatalas na armas.

Wala naman nahuling squatters sa ilang semen­teryo sa Valenzuela City. Malaki naman ang pasa­salamat sa pulilsya ng mga pinuno sa mga semen­teryo dito dahil sa ma­agang saturation drive.

Nagtayo din ang NPD ng Poli/Public Assistance Centers sa loob at labas ng 23 sementeryo dito para matiyak ang kaligtasan ng publiko na gugunita sa Araw ng mga Patay. (Lordeth Bonilla)

ALL SAINTS

ALL SOULS

CAMANAVA POLICE

DIRECTOR ATTY

LORDETH BONILLA

POLICE DISTRICT

PUBLIC ASSISTANCE CENTERS

SAMUEL D

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with