Pangasinan farmers aayudahan
MANILA, Philippines - Isinulong ni Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Undersecretary Antonio Villar Jr. ang Pangasinan Subsidy Assistance for Livelihood and Agriculture (PangSALAG) program upang tulungan ang mga magsasaka na nasalanta ni bagyong Pepeng.
Ayon kay Usec. Villar, ang nasabing subsidy program ay magkakaloob ng mga seeds, fertilizers, agri-chemicials at iba pang farm inputs ng libre sa mga magsasaka sa Pangasinan.
Layunin ng PangSALAG na matulungang makabangong muli ang mga magsasaka matapos ang kalamidad na kanilang dinanas.
“Instead of just giving them relief goods and food supplies to tide them over while the agricultural infrastructure are under reconstruction, the PangSALAG program will provide Pangasinan farmers with free initial capital to restart their planting activities,” sabi pa ng PASG chief. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending