MANILA, Philippines - Ikinababahala ng negosyanteng si Joey de Venecia III ang agarang kanselasyon ng kontrata ng Smartmatic-Aboitiz na magpapagamit ng voting machines 2010 election.
“Kung nagkaproblema ang Smartmatic sa distribusyon sa ganitong kaagang panahon, mas delikado at maaaring hindi ito angkop sa susunod na halalan sa 2010,” ani de Venecia.
Una ng nagbabala si de Venecia na walang kapasidad ang Commission on Election na pangunahan ang full automation election sa 2010, kaya ito ay dapat lang ipatupad sa National Capital Region at hindi sa malalayong lalawigan.
Bunsod nito’y, hindi aniya malayong magkaroon ng failure of election sakaling mabigong maihatid ang lahat ng voting machines sa mga presinto.
Aniya, hindi din dapat na gawing test case ang May 2010 presidential election kaya nararapat lang na sa Metro Manila lang ipatupad ang automation election para makatiyak na mamamaniobra ng maayos ng Comelec ang naturang halalan. (Butch Quejada)