^

Bansa

Oil firms tiklop sa EO 839

-

MANILA, Philippines - Tuluyang tumiklop na ang mga kumpanya ng langis kabilang na ang dambuhalang ‘‘Big 3’’ sa Executive Order 839 ma­ka­ra­ang mapuwersang ibalik ang kanilang presyo ng produktong petrolyo  sa dating halaga nito no­ong Oktubre 15.

Kahapon ay pare-pa­rehong nag­bab­a ng P1.25 kada litro sa halaga ng premium at unleaded na ga­solina, P.85 sa regular na gasoline, P2 sa diesel at P1.50 sa kerosene ang Shell, Chevron at Petron.

Una ng nagpatupad    ng price reduction ang Unioil, Flying V at SeaOil.

Sa kabila nito, umakyat naman ng higit sa P1 kada litro ang mga produktong petrolyo sa Visayas parti­kular na sa Cebu makara­an ang price reduction sa buong Luzon.

Ikinatwiran dito ni Shell vice-president for communications Roberto Kanapi na hindi naman sakop ng EO839 ang Visa­yas at Min­­danao kaya malaya silang magpa­galaw ng ka­nilang presyo sa naturang mga rehiyon. Tanging sa Luzon lamang umano epek­tibo ang kautusan na pina­kamatinding tinamaan ng magkasunod na kalamidad.

Nangako si Kanapi na tatagal ang presyo sa Lu­zon hanggang umiiral ang “state of calamity” ngunit nagpahayag ito ng pangam­ba na maaaring magka­roon naman ng problema sa suplay ng langis kung magtatagal ito dahil sa patuloy na pagtaas ng pres­yo ng krudo sa internas­yunal na merkado.

Samantala, naniniwala si Press Sec. Cerge Re­mon­de na hindi tototo­hanin ng mga oil companies ang ban-ta nilang hindi pagbe­benta ng produktong petrolyo. Anya, short-term response la­mang ito ng Pangulo at hindi na­man pang-ma­­ta­ga­lan kun­di para matulu­ngan lamang ang mamama­yan sa gitna ng kalamidad. (Danilo Garcia/Rudy Andal)

CERGE RE

DANILO GARCIA

EXECUTIVE ORDER

FLYING V

LUZON

PRESS SEC

ROBERTO KANAPI

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with