Mar at Korina kasal na!
MANILA, Philippines - Ikinasal na kahapon sina Senador Mar Roxas II at ang brodkaster na si Korina Sanchez sa Sto. Domingo Church sa Quezon City.
Libu-libo ang bisita sa kasalan na nagsimula bandang alas-4:00 ng hapon.
Isinisigaw ng mga tao sa labas ng simbahan ang pangalan ni Korina na na kasuot ng Filipiniana gown habang lumalabas ng kan yang bridal car. Napapa libutan ang brodkaster ng malaking tela na hawak ng ilang usher para hindi siya makita ng mga tao bago simulan ang pagpasok niya sa loob ng simbahan.
Umawit ng Ave Maria ang Philippine Madrigal Singer habang nagma-martsa sa aisle ang en-tourage ng ikinakasal.
Napaluha si Korina habang naglalakad sa gitna o aisle ng simbahan habang naririnig sa paligid ang awiting Umagang Kay Ganda ni Ray An Fuentes. Namataan din si Roxas na nagpapahid ng luha ng kaligayahan habang nag- hi hintay sa altar.
Si Sanchez ay inihatid sa altar ng kanyang mga kapatid na sina Milano at Mickey Sanchez.
Kabilang sa dumalo sina Randy David, Rey Langit, Pitoy Moreno, Paeng Nepomuceno, Vehnee Sa turno, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Interior Secretary Ronnie Puno, Basil Valdez, Wilson Tieng ng Solar Films, ABS-CBN Pre sident Charo Santos-Concio, dating Senators Letty Ramos Shahani at Ralph Recto, Lily Monteverde, Teodoro Locsin, dating Pangulong Joseph Estrada, Sen. Juan Miguel Zubiri at maybahay nito, US Ambassador Kristie Anne Kenney; at iba pa.
Teofisto Guingona III, Antonio Cuenco and Nep tali Gonzales, Lopez family patriarch Oscar Lopez. Fernando Zobel, Rizal Gov. Casimiro Ynares III and wife;
Ang simbahan ay di- nekorasyunan ng mga pu ting rosas at sampaguita na paboritong bulaklak ni Korina.
Nakasuot din ng Filipiniana attire ang mga sponsor at bisita.
Principal sponsors sina Chief Justice Reynato Puno, dating Senate Pre sident Jovito Salonga, Eugenio Lopez III, Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, Jorge Araneta, Ms. Rosa Rosal, Helen Costales, Ruby Roxas, Cecilia Lazaro, at Maria Fores.
Ang 16-anyos na anak ni Roxas na si Paolo Zaldarriaga ang kanyang best man habang si Dang Cecilio-Palance ang matron of honor. Ring bearer ang anak ni Kris Aquino na si James Yap Jr. habang sina Miguel Sanchez at Matthew Garcia ang coin and Bible bearers.
Inabot ng 13 ang officiating bishops at pari na nagkasal sa dalawa na pinangungunahan ni Most Rev. Angel Lagdameo, Archbishop ng Jaro, Iloilo.
Sinabi ni Roxas sa isang panayam na una nilang planong mag-asawa ang magkaroon ng anak.
Walang engrandeng reception ang kasal dahil ipinasya nina Roxas at Sanchez na idonasyon na lang ang pera rito sa ka wanggawa.
Ang mag-asawa ay nakatakdang mag-honeymoon sa Japan sa loob ng walong araw.
- Latest
- Trending