AH1N1 alert sa airport binuhay

MANILA, Philippines - Muli na namang nag­higpit ang Department of Health sa mga pasahe­rong dumarating sa mga pali­ paran sa bansa par­tikular na sa Ninoy Aquino International Airports matapos na magdeklara ang Esta­dos Unidos ng national emergency dahil sa sakit na influenza A (H1N1).

Sinabi ni Dr. Lyndon Lee Suy, National Program Manager ng Emerging and Reemerging Disease Prevention ng DOH na ito ay para maprotek­tahan ang bansa hinggil sa posibleng pagpasok dito ng second wave ng nasabing virus.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na nakapila na ang Pilipi­nas para makakuha ng A(H1N1) vaccines mula sa World Health Organization.

Ito ay dahil sa hindi uma­­no kakayanin ng ban­sa ang makalikha ng nasa­bing ba­ kuna kaya aasa ang Pilipinas sa supply mula sa WHO.

Nilinaw naman nito na may nakalaan nang P100 milyon na pondo ang Pa­ ma­halaan para sa nasa­bing mga bakuna.

Bantay-sarado rin ang mga quarantine officials sa Ninoy Aquino International Airport para sa lahat ng international passengers na darating sa tat­long terminal ng paliparan para tiktikan ang mga papasok na carrier ng AH1N1.

Dumating sa palipran ang makabagong kaga­mitan para mamonitor ang mga may sakit na pasa­he­rong papasok at lalabas ng bansa.

Nasa full alert ang medical staff sa paliparan dahil tag-lamig na ngayon sa ibang bansa at nauuso na naman ang mga sakit lalo’t ang lagnat.

Napag-alamang mas magiging delikado ang sakit na AH1N1 sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas dahil naranasan na ito ng mga Filipino at bilang lang ang mga nangamatay.   (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments