AH1N1 alert sa airport binuhay
MANILA, Philippines - Muli na namang naghigpit ang Department of Health sa mga pasaherong dumarating sa mga pali paran sa bansa partikular na sa Ninoy Aquino International Airports matapos na magdeklara ang Estados Unidos ng national emergency dahil sa sakit na influenza A (H1N1).
Sinabi ni Dr. Lyndon Lee Suy, National Program Manager ng Emerging and Reemerging Disease Prevention ng DOH na ito ay para maprotektahan ang bansa hinggil sa posibleng pagpasok dito ng second wave ng nasabing virus.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na nakapila na ang Pilipinas para makakuha ng A(H1N1) vaccines mula sa World Health Organization.
Ito ay dahil sa hindi umano kakayanin ng bansa ang makalikha ng nasabing ba kuna kaya aasa ang Pilipinas sa supply mula sa WHO.
Nilinaw naman nito na may nakalaan nang P100 milyon na pondo ang Pa mahalaan para sa nasabing mga bakuna.
Bantay-sarado rin ang mga quarantine officials sa Ninoy Aquino International Airport para sa lahat ng international passengers na darating sa tatlong terminal ng paliparan para tiktikan ang mga papasok na carrier ng AH1N1.
Dumating sa palipran ang makabagong kagamitan para mamonitor ang mga may sakit na pasaherong papasok at lalabas ng bansa.
Nasa full alert ang medical staff sa paliparan dahil tag-lamig na ngayon sa ibang bansa at nauuso na naman ang mga sakit lalo’t ang lagnat.
Napag-alamang mas magiging delikado ang sakit na AH1N1 sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas dahil naranasan na ito ng mga Filipino at bilang lang ang mga nangamatay. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending