^

Bansa

Paglilitis sa kaso ng rapist ng 2 Pinay sa UAE sinimulan

-

MANILA, Philippines - Sinimulan nang litisin ang kaso ng dalawang Pilipinang domestic helpers na unang nasagip sa isang casa kasama ang tatlo pang babaeng Indonesian makaraang tanga­yin at gawing sex slave ng dala­ wang Bangladeshi national sa United Arab Emirates, iniulat kaha­pon.

Pormal nang kinasu­han sa Court of First Instance sa UAE ng dala­wang overseas Filipino workers na itinago sa mga pangalang Jean at Joy ng kidnapping, illegal confinement, rape at attempted human trafficking ang dalawang ‘di pina­ngalanang Bangladeshi.

Sinabi ng mga biktima na, habang naglalakad sila kasama ang isang ba­baeng Indonesian sa Bani Yas sa Abu Dhabi, bigla na lamang silang hintuan at harangin ng isang sasak­yan at bu­maba ang tatlong kala­lakihan noong Abril 5 dakong alas-10 ng uma­ga. Mabilis silang hinila pa­pasok sa sasakyan at pi­nagbantaan na huwag si­sigaw at lilingon sa bintana at mag-iingay.

Habang umaandar ang sasakyan, isa sa mga Bangladeshi ang nagpa­hayag na dadalhin at ipa­pasok sila upang magtra­baho sa isang shopping store o kaya sa hospital.

Dinala sila sa isang apartment sa Naif area at ikinulong ng ilang araw hanggang sa pagsaman­talahan ng dalawang da­yuhan. Tinangka din silang isadlak sa isang prostitution den.

“Nakita ko ang tatlong Indonesian sa loob ng isang kuwarto sa apartment. Pagkatapos nilang kunin ang aking phone SIM card ay saka ikinan­dado ang aming kuwarto,” ayon sa testimonya ni Jean.

Dalawang araw mata­pos na makulong sa ku­warto, tinangka pang ga­hasain ng dalawang Bang­ladeshi si Jean subalit nakakuha siya ng kutsilyo kaya hindi natuloy ang masamang balak ng mga dayuhan.

Gayunman, minalas na nagahasa si Joy mata­pos na sakalin siya ng Bang­la­ deshi nang tinang­ka nitong tumanggi at man­laban.

Matapos ang masa­mang sinapit, sa pama­ma­gitan ng cellphone ng isang bihag na Indonesian ay nakakuha ng pagkakataon si Joy na makatawag sa kanyang kapatid sa Saudi Arabia na siya namang humingi ng tulong sa pulisya. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ABRIL

ABU DHABI

BANGLADESHI

BANI YAS

COURT OF FIRST INSTANCE

ELLEN FERNANDO

ISANG

SAUDI ARABIA

SHY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with