Jamby bokya sa baha

MANILA, Philippines - Kung gaano kasigasig si Senador Maria Consuelo “Jamby” Madrigal sa pagsira ng kredibilidad ni Senador Manny Villar sa C5 isyu ay siya namang pagkatahimik nito sa usaping pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Si Madrigal, chairperson ng Senate Environment Committee, ang siya sanang inaasahang mag­lunsad ng mga imbestigasyon kung paano hindi na mau­ulit ang malawakang pagbaha na tulad ng nangyari sa pananalasa sa bansa ng bagyong “Pepeng” at “Ondoy”.

Kung matatandaan, sunod-sunod ang pagdinig na isinagawa ni Sen. Loren Legarda hinggil sa matinding pagbahang naganap sa ibat ibang parte ng Pilipinas.

Si Legarda, chairman ng Committee on Climate Change, ang siyang tumayong senador na nakatutok sa isyu. Naging malinaw sa mga pagdinig na pinamu­nuan ni Legarda na dapat nang alisin sa baybayin ng Laguna lake at iba pang malaking pinagdadaluyan ng tubig ang daang libong nakatira dito. (Butch Quejada)

Show comments