^

Bansa

Obispo kay Erap: 'Matuto sa karanasan'

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Lingayen-Dagupan Emeritus Archbishop Oscar Cruz si dating Pangulong Joseph Estrada na pag-aralan ang naging karanasan nito noong naging Pangulo ito ng bansa at ang dahilan ng pagkakatalsik nito sa puwesto.  

Ayon kay Cruz, alam ng publiko ang mga da­hilan ng pagpapatalsik kay Estrada sa puwesto kaya hindi na nito dapat pang ulitin kaugnay ng kanyang balaking muling sumabak sa pagka­pangulo ng bansa.  

Sinabi ni Cruz na hindi magandang isipin na kum­binsido si Estrada na ang legalisasyon ng jueteng ang siyang mag-aahon sa kahirapan ng   maraming Filipino at ang mga tao ay maaaring mabuhay sa sugal.  

Sa panig naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes,Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Biblical Apostolate chairman, mas makabubuting huwag nang tu­mak­bo pa sa pagkapangulo si Estrada kung ang lega­lisasyon ng jueteng ang kanyang iniisip.  

Iginiit naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na wala nang epekto ang slogan ni Estrada na ‘ERAP PARA SA MAHIRAP’ dahil mu­lat na ang tao sa katotohanan. (Doris Franche)

BIBLICAL APOSTOLATE

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-EPISCOPAL COMMISSION

CRUZ

DORIS FRANCHE

LINGAYEN-DAGUPAN EMERITUS ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

NOVALICHES BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SHY

SORSOGON BISHOP ARTURO BASTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with