Hilagang Luzon naghanda sa U-Turn ni Ramil

MANILA, Philippines - Walang katiyakan ang direksyon ng bag­yong Ramil na nama­taang pa­layo na sa ban­sa kaya patuloy ang pag­hahanda ng mga opisyal ng mga pama­ha­laang-lokal sa Northern Luzon.

Ayon kay National Disaster Coordinating Council Spokesman Lt. Col. Ernesto Torres Jr., baga­man at namataang pa­layo na sa bansa si Ramil, hangga’t malapit pa ito sa teritoryo ng Pi­ li­pinas ay di dapat maging kam­pante.

Sinabi ni Torres na pabagu-bago ng direk­syon ang bagyo at posi­bleng mag-“U-turn” ito tulad ng nagdaang bag­yong Pepeng na buma­yo sa Central at Northern Luzon sa loob ng halos dalawang linggo.

Tiniyak ng opisyal na tuloy ang pre-positioning ng mga releif goods at rescue assets saka­ling magbabago ang direk­syon ni Ramil.

Magugunita na inu­tos ni Defense Secretary at National Disaster Coordinating Council Chairman Gilberto Teo­doro ang preemptive evacuation upang ma­iwasan ang mga ‘casualties’ sa pananalasa ng nasabing bagyo.

Kahapong alas-11 ng umaga, namataan ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services si Ra­mil sa layong 340 kilo­metro ng hilagang sila­ngan ng Basco, Bata­nes taglay ang lakas ng hanging 95 kilometro ba­­wat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 120 kilo­me­tro bawat oras.

Ngayong Linggo, si Ramil ay 610 kilometro hilagang silangan ng Bas­co at sa Lunes, ina­asahang nasa layong 950 kilometro hilagang silangan ng Basco o 230 kilometro silangan ng Okinawa, Southern Ja­pan

Gayunman, nasa ila­lim pa rin ng Signal number 2 ang Batanes Group at Signal number 1 ang Calayan Islands at Ba­buyan Islands. (Joy Cantos at Angie dela Cruz)

Show comments