Manilenyo hinikayat magparehistro
MANILA, Philippines - Nanawagan si dating presidential peace adviser Sonny Razon sa mga kwa lipikadong botante sa Maynila na magparehistro bago ang itinakdang deadline ng Comelec sa October 31, 2009 para sa registration upang makaboto sa darating na 2010 election.
Pinaalalahanan din ni Razon ang mga residente na magdala ng anumang valid identification card sa pagpaparehistro tulad ng company ID, students o library ID, postal ID, driver’s license, NBI/PNP clearance na may larawan, passport, Professional Regulatory Commission (PRC) ID, Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID at SSS/GSIS ID. Gayunman, hindi aniya tatanggapin ng Comelec bilang valid requirement ang Community Tax Certificate o sedula.
Ayon pa kay Razon, di na dapat pang hintayin ang huling araw ng pagpaparehistro para maiwasan ang aberya at pagmamadali.
Maaring magparehistro ang mga Manilenyo sa tanggapan ng Comelec-Manila na matatagpuan malapit sa LRT-Central Station simula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon kabilang ang Sa bado at Linggo. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending