60 batang kalye sinagip

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Ca­ loocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pag­sagip sa 60 batang lansa­ngan matapos magsagawa ng special rescue operations para sagipin sa solvent/rugby abuse ang mga kabataan.

Ayon kay Mayor Re­com, sa naturang operas­yon ay napag-aralan ng lo­kal na pamahalaan ang mga kaukulang hakbang para mailayo ang mga ka­bataan sa droga at lansa­ngan at mabibigyan ng ta­mang edukasyon. Kaya ipa­dadala ang mga ito sa Tahanang Mapagpala at sa Social Development Center sa Bagumbong, para ma­bigyan ng pagkalinga, edu­kasyon at rehabilitasyon.

Una ng iniutos ni Mayor Recom ang pagsa­ sagawa ng special rescue operations para sa mga palaboy, batang kalye na namamalimos sa mga pangunahing lansangan ng lungsod. Subalit lumabas din sa pag-aaral na kara­mihan sa mga nasagip ay mula Malabon, Maynila, Quezon City at Bulacan.

Show comments