60 batang kalye sinagip
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Ca loocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagsagip sa 60 batang lansangan matapos magsagawa ng special rescue operations para sagipin sa solvent/rugby abuse ang mga kabataan.
Ayon kay Mayor Recom, sa naturang operasyon ay napag-aralan ng lokal na pamahalaan ang mga kaukulang hakbang para mailayo ang mga kabataan sa droga at lansangan at mabibigyan ng tamang edukasyon. Kaya ipadadala ang mga ito sa Tahanang Mapagpala at sa Social Development Center sa Bagumbong, para mabigyan ng pagkalinga, edukasyon at rehabilitasyon.
Una ng iniutos ni Mayor Recom ang pagsa sagawa ng special rescue operations para sa mga palaboy, batang kalye na namamalimos sa mga pangunahing lansangan ng lungsod. Subalit lumabas din sa pag-aaral na karamihan sa mga nasagip ay mula Malabon, Maynila, Quezon City at Bulacan.
- Latest
- Trending