MANILA, Philippines - Bagaman at bitin, nagdeklara na kagabi sa Luneta Park sa Maynila si Senator Loren Legarda na tatakbo siyang vice president sa 2010 national elections.
Pero bitin ang deklarasyon ni Legarda na tumanggi pa ring kilalanin kung sino ang kanyang magiging runningmate.
Ayon kay Legarda, ang pipiliin niyang runningmate ay ang makakapagpatupad ng ilan sa kanyang mga plataporma na pro-people agenda katulad ng pagkakaroon ng 24-hour service para sa mga overseas Filipino workers, at ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa mga rebelde. Kabilang din sa adbokasiya ni Legarda ang pagbibigay ng proteksiyon sa kalikasan.
Sinigurado rin ni Legarda na kasapi ng Nationalist Peoples Coalition na hindi siya aalis sa oposisyon.
Ihahayag na lamang umano ni Legarda sa mga susunod na araw kung sino ang pipiliin niyang presidential candidate. (Malou Escudero)