^

Bansa

Loren nagdeklara na, tatakbong vice president

-

MANILA, Philippines - Bagaman at bitin, nagdeklara na kagabi sa Lu­neta Park sa Maynila si Senator Loren Legarda na tatakbo siyang vice president sa 2010 national elections.

Pero bitin ang deklarasyon ni Legarda na tu­manggi pa ring kilalanin kung sino ang kanyang magiging runningmate.

Ayon kay Legarda, ang pipiliin niyang run­ning­mate ay ang makakapagpatupad ng ilan sa kanyang mga plataporma na pro-people agenda katulad ng pagkakaroon ng 24-hour service para sa mga overseas Filipino workers, at ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa mga rebelde. Ka­bilang din sa adbokasiya ni Legarda ang pagbibigay ng proteksiyon sa kalikasan.

Sinigurado rin ni Legarda na kasapi ng Nationalist Peoples Coalition na hindi siya aalis sa oposisyon.

Ihahayag na lamang umano ni Legarda sa mga susunod na araw kung sino ang pipiliin niyang presidential candidate. (Malou Escudero) 

AYON

BAGAMAN

IHAHAYAG

LEGARDA

MALOU ESCUDERO

MAYNILA

NATIONALIST PEOPLES COALITION

PERO

SENATOR LOREN LEGARDA

SINIGURADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with